Friday, June 27, 2008

Hiiiiiiiigh

Stuff to do:
  • Rhetorical Paper (4-5 pages) for Religion
  • 6 Speaking of Faith programs
  • 80 pages of (book) reading
  • at least 7 hours of additional review
  • work
*sigh*

I hope the weather would be a little bit cooler (55 degrees would be nice). I HATE the heat.

Sunday, June 22, 2008

Make Firefox run up to 30 times faster

I got this from TeenTalk

1. Type "about:config" into the address bar and hit return. Scroll
down and look for the following entries:

network.http.pipelining
network.http.proxy.pipelining
network.http.pipelining.maxrequests

Normally the browser will make one request to a web page at a time.
When you enable pipelining it will make several at once, which really
speeds up page loading.

2. Alter the entries as follows:

Set "network.http.pipelining" to "true"

Set "network.http.proxy.pipelining" to "true"

Set "network.http.pipelining.maxrequests" to some number like 30 (mine is set to 100..hehehe). This means it will make 30 requests at once.

3. Lastly right-click anywhere and select New-> Integer.
Name it "nglayout.initialpaint.delay" and set its value to "0".
This value is the amount of time the browser waits before it acts on information it recieves.

If you're using a brodband connection you'll load pages 2-30 times faster now.

Wednesday, June 18, 2008

My *new* husbandS (HA.HA)

Photobucket
Keynes.Moseley.Barnes

K fine. Kashare ko din si Wey. :D

Friday, June 13, 2008

God help me

100+ pages for Religion (Tahoma, 8px). Quiz on Monday AND Tuesday.
100+ pages for Dev Psych. EXAM on Tuesday.

Shift: 10am-2pm Saturday, 10:45-3:45pm Sunday

WAAAAAAAAAAAAHHHHH!! *dies*

Monday, June 09, 2008

Haha

Jessica sent an e-mail to me and here's a part of what it says:

LIBRA - The Harmonizer (Sept 23 - Oct 22) Nice to everyone they meet. Can't make up their mind. Have own unique appeal. Creative, energetic, and very social. Hates to be alone. Peaceful, generous. Very loving and beautiful. Flirtatious. Give in too easily. Procrastinators. Very gullible.

Okay, maybe I shouldn't have emphasized beautiful, pero pagbigyan nyo na lang. XD

Procrastinator daw. Isang patunay ang ginagawa ko ngayon. May quiz pa kami bukas, anu ano itong ginagawa ko. XD

Thursday, June 05, 2008

Am I hired?

Anak ng jellyace namang tanong yan.

Kasi ganito yuuuuuun. Ininterview nga ako sa ShopKo kanina, ok lang naman, pinadescribe yung sarili ko, tinanong kung ano ba ang maganda at pangit na klase ng guro, tapos tinanong kung may ginawa na ba akong volunteer work kung saan nagreport ako sa supervisor (naisip ko yung community service namin noon kung saan kay Naths kami nagreport, pero di ko na din sinabi ), etcetera. Hindi nga ako makatingin sa mata nung manager kasi pag tumitingin ako, diko maiwasang i-label ang sclera, pupil, at iris. HAHAHAHA. Adek sa anatomy. Anywayyyy, tapos ayun, magba-background check daw sila at tatawagan na lang ako for orientation. Hired na ba ako nun? Ang ewan ng tanong, pero kasi diba pag magoorientation ka na, hired ka na? Wala (pa ) naman kasi akong krimen, kaya 100% sure akong papasa sa background check, tapos may ID pa ako sa Miltary Base dito, so tingin ko talaga wala nakong problema kung sa background check lang naman.

Wala lang. Natuwa lang yata ako kasi natanggap ako (kung talaga ngang natanggap ako). Part time lang ako, 15 hours nga lang yata ang planong ibigay sa akin, pero okay lang yun, experience lang naman ang habol ko.

Nakakatamad magreview lalo na kung di mo alam ang rereviewhin mo. O_O

Monday, June 02, 2008

Pasukan na!

Wala munang blog-blog!

Vavush!

Maund

Happy Birthday.

Sunday, June 01, 2008

Mahabag sa batang binugbog

Meron bang tawag sa phobia sa paggawa ng english essay? Yun na yata yung akin. Nakakamiss yung english subject na choose the right verb/noun/adjective at kung ano pang part of speech yan. Kasi nung sa SLU, wala namang "compose an eight-page essay" about this and that, tapos bibigyan ka ng topic na mas boring pa sa nilalangaw na kamatis, o kaya naman yung topic na hindi ako makarelate, gaya na lang nung topic na sexism sa TV shows. Nag-imbento na lang ako nun, dun sa My Wife and Kids, tutal yun lang naman yung talagang napapanood ko. Siguro kasalanan ko rin naman kasi ang tanda ko na eh Spongebob Squarepants (Squidward eh) pa rin at Fairly OddParents ang pinapanood ko XD. Buti pa nung high school, nakabasa ako ng napakagandang libro nung pinagawan kami ng Book Report. Dito, puyat lang at pagod ang napapala ko sa paggawa ng essay. Palibhasa kasi'y hindi specific para sa course ko ang english na yun, kaya napakalawak ng sakop.

Bukas, pasukan na naman. Dalawa lang yung kinuha ko for Summer sem kasi nadala nako sa kinuha kong 11 units last year. Sa loob ng dalawa't kalahating buwan, hindi ako halos natulog. Lagi ako sa harap nitong computer, gumagawa ng project, naghahanap ng topic para sa speech, pinag-aaralan ang techniques para makakuha ng mataas na grade (oo, may subject kaming ganun), nagsosolve ng sangkatutak na algebra problems na calculus na pala (sinungaling yung course description), at yun nga, gumagawa ng essay. World Religions (REL 250) at Developmental Psychology (PSYC 221) ang subjects ko ngayong summer. Yung Dev. Psych., requirement siya for the Major, tas yung Religion, pinili ko as a Humanities course (para daw maging tao ako.. haha XD). Sayang nga walang on-campus na Religion. Palibhasa kasi mga alagad ni Darwin ang nag-aaral dun sa SDSMT (mga Paleontologists kasi) kaya karamihan sa kanila, hindi naniniwala sa Diyos. Wala na sigurong nag-eenroll sa subject na yun kaya inalis na rin nila. May mga Kristiyano-Katoliko din naman. Nawindang nga ako nung makita ko yung pinakamatalino kong kaklase sa simbahan noong isang linggo. Anyway, hindi ko alam kung bat nga ba Religion ang kinuha ko. Kunsabagay, ang pagpipilian lang naman kasi na fields sa Humanities eh Literature, Music, Theater, History, Philosophy, at Religion. So by the process of elimination:

Literature - ayaw ko nga ng essays e
Music - triangle lang ang alam kong 'patugtugin', at hindi rin ako interesado sa musika ni Mozart
Theater - baka madiscover pa ako, mahirap ng matsismis..haha, wala rin akong interes magmemorize ng script at gumawa ng stage play
History - wala rin akong interes malaman ang kasaysayan ng isang bansa maliban lang sa Pilipinas
Philosophy - magandang subject, pero nakuha ko na ito last year at di na pwedeng ulitin
Religion - ang relihiyon ang isa sa mga pangunahing bagay na humuhubog sa katauhan ng isang tao (sa akin); gusto ko ring makapagbigay ng sensible na sagot kapag tinanong ako kung bakit nga ba ito ang napili kong paniniwala.

Bukas na yung klase namin, pero kahit langitngit ay hindi nagpaparamdam yung prof ko. Kadalasan, 1 day bago yung klase, may e-mail na galing sa instructor na nagpapaalala na bukas na magsisimula ang klase. Isa pang katakataka ay wala pa rin siyang nilistang libro na gagamitin namin. Araw-araw kong pinupuntahan yung website ng school pero wala talaga. Parang imposible namang mag-aral kami ng walang libro, lalo na't online class lang ito. Kumbaga, self-paced study, pero may deadlines. Chineck ko rin kung na-cancel yung klase, pero hindi rin naman. Aantabayanan ko na lang siguro ang susunod na pwedeng mangyari.

Medyo excited na din akong bumalik sa SDSMT. Kahit paano, namiss ko din magdrive papunta dun lalo na pag gabi--senti mode galore na naman nyan! Haha. 7-10pm ang schedule ko para sa Dev. Psych., and yung prof ko dito, siya din yung prof ko nung PSYC 101, kaya medyo alam ko na rin kung paano siya magturo. Sabi ni Wey, maganda daw itong subject na ito. Hiling ko lang, sana hindi kami pagawan ng paper. Tinignan ko yung syllabus nya nung Spring sem and meron nga siyang pinagawa O_O pero summer naman ito, at sa BHSU, hindi sa SDSMT. Wahhhh. Pero sa bagay, Psychology naman ito. Kung tutuusin, di naman hamak na mas interesante ito kaysa sa English na pati lyrics ng kanta eh pinapakielaman.

Kung ano man ang mangyari sa summer na ito, sana lang talaga hindi na maulit yung grade ko sa english last summer. First time yun, at pagsusumikapan ko na din na gawin iyong last, kahit man lang bago ang application para sa Nursing Major.

Uy, parang ang lakas ng loob ko ah. Ito na siguro ang epekto ng mga nabasa kong akda ni Mr. Coelho. :D