Bukas, pasukan na naman. Dalawa lang yung kinuha ko for Summer sem kasi nadala nako sa kinuha kong 11 units last year. Sa loob ng dalawa't kalahating buwan, hindi ako halos natulog. Lagi ako sa harap nitong computer, gumagawa ng project, naghahanap ng topic para sa speech, pinag-aaralan ang techniques para makakuha ng mataas na grade (oo, may subject kaming ganun), nagsosolve ng sangkatutak na algebra problems na calculus na pala (sinungaling yung course description), at yun nga, gumagawa ng essay. World Religions (REL 250) at Developmental Psychology (PSYC 221) ang subjects ko ngayong summer. Yung Dev. Psych., requirement siya for the Major, tas yung Religion, pinili ko as a Humanities course (para daw maging tao ako.. haha XD). Sayang nga walang on-campus na Religion. Palibhasa kasi mga alagad ni Darwin ang nag-aaral dun sa SDSMT (mga Paleontologists kasi) kaya karamihan sa kanila, hindi naniniwala sa Diyos. Wala na sigurong nag-eenroll sa subject na yun kaya inalis na rin nila. May mga Kristiyano-Katoliko din naman. Nawindang nga ako nung makita ko yung pinakamatalino kong kaklase sa simbahan noong isang linggo. Anyway, hindi ko alam kung bat nga ba Religion ang kinuha ko. Kunsabagay, ang pagpipilian lang naman kasi na fields sa Humanities eh Literature, Music, Theater, History, Philosophy, at Religion. So by the process of elimination:
Religion - ang relihiyon ang isa sa mga pangunahing bagay na humuhubog sa katauhan ng isang tao (sa akin); gusto ko ring makapagbigay ng sensible na sagot kapag tinanong ako kung bakit nga ba ito ang napili kong paniniwala.
Bukas na yung klase namin, pero kahit langitngit ay hindi nagpaparamdam yung prof ko. Kadalasan, 1 day bago yung klase, may e-mail na galing sa instructor na nagpapaalala na bukas na magsisimula ang klase. Isa pang katakataka ay wala pa rin siyang nilistang libro na gagamitin namin. Araw-araw kong pinupuntahan yung website ng school pero wala talaga. Parang imposible namang mag-aral kami ng walang libro, lalo na't online class lang ito. Kumbaga, self-paced study, pero may deadlines. Chineck ko rin kung na-cancel yung klase, pero hindi rin naman. Aantabayanan ko na lang siguro ang susunod na pwedeng mangyari.
Medyo excited na din akong bumalik sa SDSMT. Kahit paano, namiss ko din magdrive papunta dun lalo na pag gabi--senti mode galore na naman nyan! Haha. 7-10pm ang schedule ko para sa Dev. Psych., and yung prof ko dito, siya din yung prof ko nung PSYC 101, kaya medyo alam ko na rin kung paano siya magturo. Sabi ni Wey, maganda daw itong subject na ito. Hiling ko lang, sana hindi kami pagawan ng paper. Tinignan ko yung syllabus nya nung Spring sem and meron nga siyang pinagawa O_O pero summer naman ito, at sa BHSU, hindi sa SDSMT. Wahhhh. Pero sa bagay, Psychology naman ito. Kung tutuusin, di naman hamak na mas interesante ito kaysa sa English na pati lyrics ng kanta eh pinapakielaman.
Kung ano man ang mangyari sa summer na ito, sana lang talaga hindi na maulit yung grade ko sa english last summer. First time yun, at pagsusumikapan ko na din na gawin iyong last, kahit man lang bago ang application para sa Nursing Major.
Uy, parang ang lakas ng loob ko ah. Ito na siguro ang epekto ng mga nabasa kong akda ni Mr. Coelho. :D