* * *
(post was edited for grammatical errors)ORIGINAL MESSAGE FROM GRACE
SENT LAST: August 25, 2006, Friday, 3:36 PM
dream of singing,, yah,, don't worry, di ko na ipupursue yun dahil
ayaw ko pang magiba yung mundo..
anyway, i was looking at the ceiling of my dark room the other night..
thoughts flew(?) into my mind..
lost thoughts of high school..
that was around 10pm..
i thought:
"ganitong oras nung high school pa ako, busy ako sa kakaplantsa ng
uniform habang nakikinig sa MOR, ang favorite kong radio station..
i'll be looking forward to another day with my buds (and MOST
UNFORTUNATELY, my pesky teachers.. special mention si BEBS)..hay
naku, siguradong tawanan ever na naman nyan..
so ayun.. gigising ako nga 5:30 at magaalmusal. then my usual
routine na..
6:45 am, nasa terminal na ako..maaga akong sasakay ng bus (kasi
maagang pumapasok sa school si bote..baka makatabi ko ULIT)
pagdating ko sa labskul, ayan, nakakalat na ang mga nangongopya ng
assignments. . hehee,,buti nagawa ko na yung akin.. hehe ulit
diretso na kami nila wey, ben at jaffy sa tindahan para bumili ng
kendi.. ang ever favorite naming MENTOS.
ayan.. nagsisimula na ang klase.. di ko na memorize ang sched natin
kaya diretso na ng lunch.
kumaripas na ng takbo ang ms4 sa takot na baka utusan ng mga
teachers na mga pilay yata at hindi makayang bumili ng sarili nilang
lunch.. napupuno na ng 14s ang driveway dahil nakahilera sila ng 1
linya habang binibiro na naman si lola june o kaya may naimbento na
namang bagong korni na joke..
nakarating na kami sa tindahan at nagtatanggalan na ng takip ng mga
ulam, yung iba naman, dumiretso na sa likod para magsave ng upuan.
after magtawanan sa tindahan habang kumakain (sikat na naman ang
snoopy lunchbox ni wey), punta na nian kami sa CR para mag-TORBASH. .
at laging naghihingian ng TORPASTE..pati na polbo, at laging hindi
pantay ang polbo ko..
walang research siguro nun, or may event sa skul tulad ng quiz bee
na sinalihan namin.. nagkandaloko- loko na naman ang mga recycled
piano projects na ginamit ang likod as TAGBOARDS.. lsians talaga,
mahal ang kalikasan kaya nagrerecycle. .habang nagcocontest eh, sabay
hanap ng tissue pambura..at bago yun ay makikipag agawan pa sa chalk
na ipinamimigay. .
again, di ko na naman kabisado ang sched natin sa hapon kaya diretso
uwian na..
takbuhan na nian sa bus habang nagdedecide ang mga tao kung anong
kakainin sa mcdo.. mcdo day kasi nun..tapos monthsary pa ng
forteens.. siyempre, di rin mawawala ang palitan ng sulat..
tapos, uwi na kami nila jaffy at naths--after ng mahigit 2 hours na
tawanan na naman sa mcdo 1 (na kakarenovate lang).."
napangiti na lang ako habang iniisip yun..
mahirap isipin..
tapos na pala yun.
* * *
I miss high school so much.