So I was looking at my schedule for Fall semester. Napatunganga na lang ako sa mga subjects ko. Patay, nandun ang English 201 at dalawang 400-level na klase (meaning pang-4th year na sila). Tapos may Spanish pa at Health Community. Arushosko.
Ayaw ko ang English na subject sa simpleng kadahilanan na kailangan kong gumawa ng sandamukal na essays tungkol sa mga bagay bagay na wala naman akong pakielam. Hindi naman sa wala akong pakielam sa mundo, pero parang na-trauma ako dun sa C+ na nakuha ko nung isang taon sa English 101 ko. Eh kasi ipa-discuss ba naman ang epekto/importansya ng consumption chenes whatever thingy sa bansang ito. Eh duh. Wala pa man akong isang taon dito e. Ilang buwan palang din akong nag-aaral nun. Tapos umeksena pa ang &#*+ na paraphrasing at referencing na yan. Eh dahil online class yun, yung teacher namin sa libro na lang bumase nang bumase. Ni hindi man lang ipinaliwanag kahit sa mas simpleng terms lang. Kaya ayun, bokya. Buti nga nakapasa pa eh.
It's been a year since I wrote a prose. Parang nawala na lang bigla ang 'passion' ko sa pagsusulat. Kaya lang naman kasi talaga ako nakakasulat ng mga ganun noon eh dahil nakita ko si 'kras' sa school nung umaga, o kaya naman eh nageemo-emohan ako nung panahong yun. Siguro ang pinakamagandang nasulat ko eh yung parang may pagka-Closing Cycles na hindi (haha, ano dawwwwwww?!). Basta tungkol siya sa mga huling araw ko bilang high school stu(pi)dent XD. Dun ko naibuhos ang kalungkutan ko sa pag-iwan ko sa Labskul, ang takot ko sa pagtungtong sa kolehiyo at pagiging independent, at ang mga tila malulungkot at inspiring na 'realizations'. Hindi ko na alam kung saan na napunta yung sinulat kong yun. Marami akong naisulat na kung anu-ano bago ako nagpunta sa Baguio noon, pero lahat sa mga yun ay either tinapon ko na o kaya naman eh itinabi ko na lang sa kung saan man.
Isa pa sa mga tila nakakapag-udyok sa akin noon na magsulat eh yung mga magagandang kanta sa MOR 103.1 tuwing gabi. Favorite ko pa nga noon yung original version ng "Love Moves in Mysterious Ways". Mahilig din akong lokohin ang sarili ko pag sinasabi kong "ang susunod na kanta, kanta namin ni *toot*" tapos sabay "Could You Be My Number 2?" yung kanta XD. Ngayon, wala na yun. Puro country songs ang nasa radyo. Alam kong bacchamae ako, pero hindi ko talaga feel ang mga country songs na pag pinakinggan mo eh feeling mo naggagatas ka ng baka o kaya naman e inaamoy ang hininga ng katabing kabayo. Yung iba namang istasyon ng radyo, sobrang hard rock, matigas pa sa bato ang pagka-rock, kulang na lang may lumabas na baseball bat sa speakers para basagin yung bungo ko.
Meron akong diary na ang tagal ko na ring hindi nasusulatan. Pag minsan, binabasa ko lang ito, pero hindi ako nakakaisip sumulat. Nakakatamad kasi dahil paulit-ulit lang naman ang buhay. Konti lang ang pinagkaiba ng ngayon sa kahapon. Isa pa, wala naman akong crush. Kailangan kong aminin--para sa isang taong sampu-sampu kung magkaroon ng campus crush, mahirap ang biglaang magblangko ang listahan. Si Blake naman kasi, naging crush ko nung patapos na yung semester. Pero masaya na din akong kahit paano eh napatawa ko siya sa kakornihan ko. Hindi ko na rin siya nakita pagkatapos ng semester simula January.
Siguro hindi rin basta kagwapuhan ang ginagawa kong basehan sa pagkakacrush, considering na halos lahat ng mga crush ko na nakikita ko in person eh hindi naman talaga gwapo (ouch naman daw sila XD). Yung iba, matalino o kaya naman mabait. Kung neither sa dalawa, siguro talagang nasiraan lang ako ng bait nung magkacrush ako sa kanila XD.
Ayaw ko na sanang balikan ang mga pangyayaring ito pero hindi ko rin maitatanggi na ang pagiging 'baliw' ko pagdating sa mga crush na iyan ay kabilang sa mga bagay na nakakapagpangiti sa akin kapag naaalala ko sila.
Napagtanto kong tutal naman eh hindi sila bumibisita sa blog na ito at hindi rin nila mababasa so OK lang.
Kapag ka-close mo ang tenga ng lupa at ang pakpak ng balita, wag ka ng umasang hindi marereveal ang "special someone" mo kahit sa loob lamang ng isang araw. Kadalasan, wala ka pang sinasabi ay kalat na sa campus na may gusto ka kay ganito. Ganyan ang naging buhay ko. Sabi nga ni Bob Ong, kadalasan eh nililink ka sa pinakapangit sa klase nyo--sa kaso ko naman, dun sa pinakapangit sa campus (oyyyyy, no offense).
Yung kay AP noon, hindi ko alam kung paano kumalat. Siguro na-identify din ni AP yung number na yun. Kung anu ano pa ngang kaewanan ang pinaggagagawa ko nun, may paletters letters pa. Haha. YAK, ang baduy ko XD. Marami rin kaming dinevise na codename ni June para sa kanya, nakalimutan ko na nga yung iba.
Nung second year, meron na namang ibang ipinartner sa akin--si Pongi. As usual, si Junee ang gumawa ng codename na yan. Ewan ko kung saan naman niya nahugot ang bansag na yun para kay kuya Sherwin. Kawawa naman, nananahimik eh ginugulo ng mga batang walang magawa sa buhay XD. Di pa nakuntento, nung minsang pumasok si kuya sa classroom para manghiram ng ballpen eh bigla ba namang tinukso sa akin na nananahimik na nagrerewrite ng notes. Simula noon, Fallorin na ang tawag sa akin ni Sir Alagano. Oh well, at least nakilala ako ng teacher kahit paano. :P
Dumami ang ka-love team ko nung third year. Yung bestfriend ni kuya Sherwin, si kuya Glenn, naihalintulad ko noon kay Haley Joel Osment. Kahawig daw nya kasi. HAAAAAAAAAAHAAAAAAAAAAHAAAAAAHAHHHHHHHHHHHHAAAAAAAA. Bulag talaga ako ano. Nakuha ko noon yung number nya kay Con at sinendan ko siya ng pinakachakabang at pinakabaduy na message na pwedeng i-devise ng mga panahong iyon. Nakakakilabot pa rin pag naaalala ko. So medyo naging text buddies din kami noon. Napuno na nga halos yung inbox ko nun kasi hindi ko binubura yung messages nya XD. Actually, meron din naman akong dapat ipagpasalamat sa kanya dahil lingid sa kaalaman ng lahat, ang kauna-unahang entry sa diary kong 5 taon ko ng kasama ay tungkol sa kanya. Kumbaga siya ang nag-"inspire" sa akin na magsimula ng diary. Eto ang excerpt: "He has been an important person in my everyday life and leaving his memories would be hard." WTF? WTH? LOL! LMAO! ROFL! Hahahahahahahahahahahahahahaha. Wrong gramming pa ata. Anak ng jellyace. Ako ba yun? Pag binabasa ko yung entry na yun atsaka yung mga sumunod doon, tawa ako nang tawa. Para akong nagbabasa ng mga hinaing ng batang naligaw ata sa sarili nyang kwarto. Siguro eto yung parang karanasan ko sa tinatawag nilang "High School drama". Baduy, corny.. pero sa paraan ng pagkakasulat ng mga entries na yun, parang ang lungkot ko talaga. Haha. Kids.
Eto pa: "...used my mental telepathy to call him. He turned his head automatically and caught my eye." My gaaaaaaaaasssshhhh. Hindi naman ako naka-drugs nun, bat ganyan yung naiisip ko?
Hayyyy. Well at least mas masaya naman ako di hamak nung mga panahon na yun kaysa ngayon.
...to be continued
*inaantok nako.