Friday, May 30, 2008

Katatakutan, kahihiyan, katatawanan Part II

There is something about blogging in my native language that seems to set me free (o, e bat nageenglish ka? XD). But there is a need to practice writing in english since this is the language I would deal with for (perhaps) the rest of my life, but that must not be a hindrance for me to share my thoughts through this blog. So I decided to break that invisible barrier I built which required me to express everything in english. With that, I promised myself to blog not so much as to practice but communicate with my family, friends, and the online world. That's what blogs are for anyway. =P



-back to what I was thinking before typing this down-



I'm actually surprised at myself for writing two consecutive blog entries in two days. Kadalasan kasi, isang buwan ang pagitan ng dalawang posts. I think I'm actually enjoying this. Now I understand why some people get addicted to blogging. There is a strange satisfaction in writing (or in this case, typing) down a thought. Kasi kapag ganun, you get to record a memory and can access it again whenever you wish. I realized this when I was rereading all my blog entries a while ago. Lalo na yung mga rants, parang ang saya kasi na maisip mong nasurvive mo yung hell semester na yun. Kasi one of the reasons why I don't blog is yung wala namang nagcocomment. Tapos naisip ko: Bakit, hindi naman ako nagbblog para makakuha ng comments ah. I blog just because I want to. So simula nun, napadalas na din ang update ko sa blog ko.



Ang gandaaaaaaaaaaaaaaa ng kantang 'So Close'. Adik na adik ako ngayon dun. Alam mo yung feeling na inlove ka pero wala ka namang kina-iinlove-an? Ayun, ganun na ganun yung nararamdaman ko. Feel ko na namang bumalik sa isinulat ko kahapon, so eto na tayo.



Katuloy nung kwento kay kuya Glenn, duda akong nalaman nya yung totoo kong pangalan pero kilala na nya ako by face, so buking na din ako. Lagi siyang nagpupunta sa school noon kahit graduate na siya dahil dun sa COQC na ayaw naman sa kanya at tinataguan pa nga siya noon. Naaalala ko, lagi rin siyang extra sa camping (GRABE, miss ko ng mag-camping!!) at hindi pa nga ako makakain nun kasi nandun siya (if that's the case, kailangan ko siya ngayon. HAHA). Speaking of camping, dun pala sa obstacle course na kung saan na-stuck ako sa gulong unang nagkacrush sa kanya. Kesyo inencourage daw nya ako. WTH. Anyway, lahat yun, nakadokumento sa diary ko. HAHAHA. Tapos unti unti ng nawala ang interest ko sa kanya, pero inaamin kong nalungkot ako nung time na yun na nakasabay namin siya ni Jaffe sa jeep tapos may kasama siyang girl. Sabi ni Jaffe kapatid daw nya yun. Hindi ko naman tinignan kaya hindi ko rin alam, pero kinabukasan, walang kamatayan ang pagpapatugtog ko ng "I'll Never Get Over You (Getting Over Me)". Haha, loser. Bandang fourth year nang tuluyan na siyang mabura sa listahan ko (at talagang may listahan, ano) dahil sa isang taong hindi ko na babanggitin ang pangalan. Clue: malapit na birthday nya =]



At syempre, sino ba naman ang makakalimot sa isa pang nilink sa akin (naging crush ko din naman siya, in fairness) na kung saan eh nakilala ako ni Prof. Mendoza and Mam Ladia--si Sir Gherold Benitez (wish ko lang hindi ito mabasa ng pinsan ko kasi magkakilala sila XD -- pero dahil libong milya naman ang layo ko, no big deal na rin kung mabuking ako). Ganito kasi yun, nung nagconcert yung POETS sa TSU, nanood kami, tapos ANG GWAPO nya, as in! Sa malayong distansya, kamukha nya si Sherwin Ordonez (na SOBRANG crush ko noon, kaya lang ako nanonood ng Click eh dahil sa kanya XD). Halos mahimatay pa nga kami noon ni Jewilyn kakasigaw kasi nga ang gwapo gwapo niya. So yun. Ngayon, ang hindi ko maintindihan at malaman, ay kung paano na-imagine ng mga ka-group ko na may crush ako sa kanya. Nadulas ata ako noon sa pagsabing kamukha nya si Sherwin O. tapos sabay sabing may gusto ako dun sa artista so nag-automatic na sa kanila na may gusto din ako dun sa isa. Ang mga loko naman, kasi ang alam ko, option lang si Sir Gherold nun na maging guest speaker namin, nung inassume nila na may gusto ako sa kanya, walang anu-ano e siya na yung ginawa nilang guest speaker. HAHA. Mga loko yun. SOOOOBRANG nakakahiya nun! As in! Lalo na, teacher siya. Naaalala ko pa, nung nagsasalita siya, pag napapalapit siya dun sa part na kung saan nakaupo ako (syempre, natural lang na yung speaker eh magmomove from time to time sa pwesto nya diba?) eh humihiyaw yung mga kaklase ko. Haynaku, wala akong naaalalang mas embarassing experience dun maliban na lang dun sa lumipad nadapa ako sa may harap ng lobby nung grade 4 XD. As in gusto ko talagang lumubog na lang sa sahig at maglaho forever. Tapos nung huli, ang mga loko kong kagroupmates, sinabi ba namang dapat daw makipag-kamay sa speaker. Halatang sinadya nilaaaaaa!!! Ang dami ng naging speakers sa klase namin, wala man kaming kinamayan kahit isa! Tapos biglang ganun??!! Nagsigawan yung buong klase, pati si Prof. Mendoza (na director namin) tapos si Mam Ladia, tumatalon-talon pa (golden moment yun, considering na terror teacher si Mam XD), nung time na yun, gusto ko na talagang tumakbo palabas ng amphitheater kasi hiyang hiyang hiyang hiya na ako! Hindi rin ako nakapagkamay sa kanya kasi talagang hindi ko na siya kayang harapin. Nung bandang huli, narealize ko na sana eh nakipagshake hands na lang ako kasi ang lumabas eh si Sir pa yung napahiya. Masyado naman kasi akong nagpatangay. Diko pa alam maki-ride noon sa mga jokes eh. Anyway, pagkatapos ng araw na yun, wala na. Bakit? Kasi tama na yung isang nakikita ko minsan sa isang buwan (kung hindi nyo magets, secret ko na lang yun). Pero ang totoo, may sinabi sakin si Wey noon at doon na nagtapos ang kwento.



Nung fourth year, wala ng naging ganung kalalang kaso ng panloloko. Natuto na rin akong maki-ride sa mga jokes ng kaklase ko. Wala na rin yung mga kaewanang nalalaman ko nung first-third year. Buti naman. Pero syempre, meron pa ding mga niloko sa akin, yun nga lang, sa pagkakataong ito, mas bata sila sa akin--4th year kami, 2nd year sila (patay tayo dyan) so hindi na ako nahiya sa kanila. Besides, si Jafita, may gusto dun sa kuya nung isa (si Procter and Gamble) kaya hindi rin makahirit. Si Wey din, may gusto dun sa isa (clue: kaklase ko siya nung nursery). Tapos ang alam ko, si Sansu, may gusto dun sa isa pa, so mababa talaga yung risk na maloloko nila ako. Pero dumating din yung pagkakataon na yun nung Science Fair. Naki-ride na lang ako nung di-nare nila yung tatlo dun sa katapusan ng "Spider Maze" kuno kung saan ako yung nagbabantay. Malalakas din ang radar ng mga kasama ko eh, biruin nyo ba namang nadetect nila yung tatlo sa gitna ng kadiliman nung classroom? HAHA. So anyway, pinapalabas ko na nga eh, pero tutal tawa din naman nang tawa yung tatlo (nakita ko kasi nasinagan sila nung binuksan ko yung pinto) at dahil wala rin naman akong laban sa laki ni JayR (HAHAHA), pinabayaan ko na silang gawin yung dare--may pinasabi yung mga kaklase ko (secret na lang kung ano yun :D :D). Tapos, ayun--ako na yata yung pinakamasayang tao sa pinakamababaw na paraan pagkatapos nun XD.



Base sa diary ko, yun na ang huling "kilig moment" ko nung high school. Actually, meron pa, pero dahil 'iba' yung taong involved, hindi ko na yun dapat i-post pa sa blog na ito.



* * *



Syempre, may mga lokohan moments din noong college. At dahil si JayR ang pinaka-close ko noon, automatic na ako ang una sa listahan ng mga nililink sa kung kani-kanino. Yun nga lang, sa pagkakataong ito, walanghiya nako...teka, mali ata...I mean, hindi na ako yung tipong nagkukuba o kaya eh nagtatago. In a way, naging advantage din ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon e naging class officer ako (HAHA). Kung tutuusin nga eh parang naging boyish ako nung college, kaya rin siguro parang nawala yung awkwardness pag nakikipag-usap ako sa lalaki na hindi ko kabarkada. Halos isumpa nga ako ni JayR nun kasi nakakausap ko yung crush nya, tapos siya hindi. Nakalibre nga ako ng lunch from him dahil doon. HAHAHA. :D May benefit naman pala kahit pano. Epekto na rin siguro yun ng pagkakakilala namin kay kuya Alron (na sabi ko pa noon ay kamukha siya ng isang taong nabanggit ko kanina) at sa mga iba pang lalaki sa dorm. Gaya nga ng sabi ko nung una, sa simpleng kadahilanang amiga ko si JayR, may automatic kapartner(s) ako sa classroom. Pero nawala din yung panunukso kasi hindi ko pinatulan (hindi ko pa pinatulan sa lagay na yun XD). Naka-labing-isa akong crush nung college, yung apat, gusto naming dalawa ni Pat. Yung isa, Mr. Nursing, kababayan, at nakatira malapit dun sa taong nabanggit ko kanina; yung isa, matalino (and mabait na rin); yung isa, friend ko; yung isa, nagwapuhan ako noon (may anak na siya ngayon); yung isa, AP version 2 (minus the kabaduyan); at yung dalawa, kadorm namin. Hindi ko sinabi yung mga pangalan nila dahil PITO sa kanila ang wala pa ring kaalam alam sa sikretong ito.



* * *



Ngayon dito sa Amerika, hindi ko maitatangging ang dami kong kaklaseng gwapo. Siguro sa paningin ko, gwapo sila dahil nga di naman hamak na mas maputi sila at iba ang lahi nila. Kumpara sa mga binaggit ko sa blog na ito at dun sa nakaraan pang entries, lahat sila walang binatbat pagdating sa isa kong kaklaseng nagstand-out pagdating sa katalinuhan, kagwapuhan at kabaitan. Katalinuhan dahil ang dami nyang achievements: consistent Dean's Lister, International Science Fair winner, at future Med student. Siya rin ang nakakuha ng 44/50 dun sa exam sa Ana-Lab na LAHAT kami ay bumagsak. Kagwapuhan dahil hawig nya si Jesse McCartney na may halong yung artista na gaganap kay Goku. Kabaitan dahil nung mga panahong papasok kami sa classroom, kahit na siya yung pinakamalapit sa pinto eh ako pa din ang pinapauna nya kahit kasunod lang niya ako. Palangiti din siya at palatawa. Siya si Blake. Pero kung ano ang ikinatalino, ikinagwapo at ikinabait nya, yun din naman ang ikinaikli ng panahon simula ng makita ko siya "in a whole new light" hanggang dun sa nagtapos ang klase.



Blake served as an motivation for me to study harder because he posed a threat that will stop me from getting the top spot. I doubt if I actually got that top spot I wanted, but I sure was happy with my grade in that subject, considering our TA was considered to be the toughest TA there is.



Six months na ang nakakaraan at blangko pa din ang listahan. Wala ng sumunod kay Blake kahit halos bahain nako ng sher sher dito. Siguro dahil ito na rin ang panahon na kailangan ko na nga talagang magfocus sa pag-aaral. OK naman ako doon. Ilang taon na rin naman ang naipon kong "kilig moments" na pag binabalikan ko eh natatawa na rin ako. Syempre, high school yun. Kung meron mang panahon na may excuse ka na magmukhang ewan, yun na siguro ang high school. Tingin ko, dapat ang college, talagang panahon na ng pagseseryoso, dito kailangan na talagang magpursigi para makuha mo yung gusto mo. Sabi nga ni Paulo Coelho sa libro yang The Alchemist, "When you want something, the universe conspires in helping you to achieve it". Siguro ito na rin yung paraang ng mundo para tulungan akong makuha ang gusto ko.



Sana nga.