Tuesday, August 26, 2008

Walanghiyang Nutrisyon yan!

Ilang beses na akong tinatanggihan ng subject na ito. Asar na asar na talaga ako. Noong summer, nag-aapply ako, naubusan ako ng slot. Ngayon, nakapag-register ako, kinancel naman yung klase! ANO BA HA?!!!

Ito na lang ang kaisa-isang subject na kailangan ko para makapunta sa nursing!!!!!! Leche naman e! Nakakainis na talaga. Pag ako, di pa nakapag-apply ngayon, wala nakong choice kundi sa Spearfish mag-aral! Eh ISANG ORAS ang layo noon dito sa bahay namin! ISANG ORAS!!!!!!!!!!!!! Kamusta naman yun? E di approximately 2 hours per day ako magbibiyahe!!! Tapos THRICE a week pa!!! EXSHOOS ME?! Edi gas palang, ubos na ang budget ko! PLUS, kailangan ko pa niyang i-drop ang iba kong subject! PESTE naman o. Bwisit namang buhay ito. Bat ba lagi na lang akong walang choice?!!!!!!!!!!